Friday, August 21, 2009

Maganda Pa ang Daigdig (Lazaro Francisco)


Tungkol sa nobelang isinulat ni Lazaro Franciso ang entry ko ngayon. Gusto ko lang ibahagi kasi kakaunti na lang nagbabasa ng mga nobelang Pilipino ngayon e. Kung tututusin e magaganda naman ang mga nobela natin, lalo na iyong mga gawa nung araw. hehehe

maganda pa ang daigdig- sa pagkakaalala ko si Ms. Sanchez ang bumigkas nito sa nobela.
Ang tagpo ay sa lumang panahon sa bayan ng Pinyahan, mga taong 1955. (mga ganyan)
Si Lino Rivera ay isang abang tao na "hindi sumasabay sa agos" bagkus ay kumikilos sa sarili at ayon sa kanyang mga paniniwala at prinsipyo. Siya ay may anak na labini-isang taong gulang na lalaki, si Ernesto. Bilang ama kay Ernesto, tinuruan niya ito na matutong magtiis at maghirap, huwag manghingi at umasa lamang sa kanyang sarili.
Si Ms. Sanchez naman ay isang guro. (prinsipal actually) Siya ay isang dakilang babae. Popular siya sa Pinyahan dahil sa taglay niyang kagandahan na hindi lang sa pisikal na aspeto kundi pati ang kayang kalooban. Inampon niya ang batang si Ernestina nang mamatay ang ina nito. Gayon din ang ginawa niya kay Ernesto nang si Lino naman ay dakpin ng mga pulis sa salang ayon kay Lino ay hindi naman niya ginawa.
Sa unang bahagi ng nobela ay tinalakay ang mga maling pamamaraan ng mga panginoong maylupa. Habang tumatagal, tinutukoy na rin sa akda ang pagiging "hindi patas" ng batas. Na kahit ang isang tao ay walang sala, siya ay maaari pa ring makulong kapag walang naiharap na saksi sa hukuman.

Ang "Maganda Pa ang Daigdig" ay isang mabigat na nobela. Sa totoo'y nabigla ako nang basahin ko ang nobelang ito. Ito ay isang napakaseryosong nobela. Hinamon dito ng manunulat ang mambabasa na gamutin ang sugat sa lipinang Pilipino- ang malawakang piyudalismo sa kanayunan. Inihantad din ang mga sanhi ng kahirapan ng mga magsasaka at inilarawan ang kanilang kasawiampalad sa kamay ng kanilang mga among maylupa.

Minsan ay di ko masundan ang nobela dahil sa mahahabang linya o diyalogo ng mga tauhan. Magkagayunman ay naging kaabang-abang naman sa akin ang kahihinatnan ng panunuyo ng Koronel Roda kay Ms. Sanchez. Idagdag pa ang kung paano malilinis ang pangalan ni Lino sa kawalan niya ng saksi sa krimeng "nagawa" niya sa piyer.

Kung bibigyan ko ng grade ang nobelang ito, mula 1 bilang pinakamababa at 10 na pinakamataas, 8 siguro ang ibibigay ko. Siguro dahil sa paminsan-minsang naguguluhan ako sapagkat ang mga diskusyon o diyalogo ng mga tauhan ay mahahaba. Pero hinahangaan ko ang pagiging matapang ng nagsulat ng akdang ito.

Mahusay!

^_^

3 comments:

  1. pwede bang humingi ng kopya ng nobelang ito?

    ReplyDelete
  2. LuckyClub Casino site
    Luckyclub Casino site. LuckyClub. Live. 24/7 customer support. luckyclub.live Join Luckyclub Casino today and get 50% deposit bonus up to €130. Play  Rating: 3.9 · ‎Review by LuckyClub.live

    ReplyDelete